Magiging masama akong Ama balang araw.

Nitong mga nakaraang araw, pumunta kami sa bahay ng great grandpa ko at doon nanatili ng holy week kasama ang mga ibang pinsan at mga relatives ko. Sobrang daming bata. Ang kulit-kulit nila. May pagkakataon na nag-away ang dalawa kong pinsan ng dahil sa remote control. Ang isang lalaki, gusto manuod ng adventure time, ang isa naman ay gusto manuod ng spongebob na nasa kabilang channel. Ang ingay-ingay nila kaya binigyan ko sila ng boxing gloves. In the end, wala naman nanalo kasi mabigat yung gloves, hindi makasuntok ng maayos. Pati ang paa nila, muntik ko ng lagyan din ng gloves kasi sumisipa sila minsan. Mamaya ay napagod din sila, huminto na sa pag-aaway at naglaro na lang sa labas ng bahay.

May baby din dun. May isang beses na ako ang pinabantay ni Tita kasi magsi.cr muna sya. Ang behave ng baby nung umalis na si Tita kaso biglang dumating yung mga iba kong pinsan. Ang ingay ulit sa kwarto. Umiyak yung baby. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naisip ko na baka gutom na si baby kaso hindi ko alam kung san nilagay ang tita ang gatas. Nagpanic na ako. Dumating na sa punto na malapit ko ng i-offer ang suso ko kay baby para ipainom ang gatas ko. Buti na lang na dumating si Tita, hindi ko na-sacrifice ang gatas ko.

Fact : May gatas ang mga lalaki pero di tulad sa mga babae, kaya flat-chested kami kasi powdered milk yung samin.

Baby floor wax ka ba? <3
Anonymous

Hindi. tao ako baby. :*

May ibang babae talaga na hindi ka ida-date kasi wala kang car.

May kaibigan ako na sobrang patay na patay sa isang babae dati. Pinopormahan nya tong napaka sassy girl nato. Lagi nya sinasabi sakin na, " ang hirap nyang abutin pare, coz i’m a pauper and she’s a muse "pero patuloy pa rin sya kahit ina-under at inaaway sya nito. Naalala ko na nagtext yung girl sa kanya na magpapasundo sa mall kasama ang dalawa nyang kaibigan. Eh motor lang meron tong kaibigan ko, eh hindi naman pwede na apat sila sa motor kaya sabi nya na sumama ako, na ako magdrive sa isang motor. Nung dumating kami sa mall..

Boy Under : Tara na, san mo gustong pumunta?
Sassy Girl : Kahit saan. Anong sasakyan natin?
Me : Syempre four wheels !!!
Sassy Girl : Talaga? May car ka na? :))
Boy Under : Ah eh. Wala eh
Me : Hindi, dalawang motor. 2 wheels plus 2 wheels equals 4 wheels !!!!

Nawala yung ngiti nya nung nalaman nya na mag motor lang, parang napilitan lang na sumama. After two months, nagkaroon ng car itong si Boy Under. Hindi na sya inaaway ng babae gaya ng dati pero lagi pa rin nagpapasundo. 

Nang nakita ko na ina-under pa rin tong kaibigan ko, pinayohan ko sya na " try mo ngang hindi gumamit ng sasakyan or motor. Sabihin mo sa kanya na mag commute lang kayo "Sinunod naman ito ng kaibigan ko. Nag effort pa rin syang sunduin yung girl kahit walang dala na car or motor. Inaaway ulit sya nito. Pagkatapos ng mga ilang araw na ganun ang ginagawa nya, hindi na nagpapasundo sa kanya si Sassy Girl kasi nagpapasundo na ito sa ibang lalaki.

Nakalipas ang mga ilang araw, napagod din si Boy Under kay Sassy girl. Nag move on sya para sa sarili nya. Dumating yung araw na nagkagusto sya sa ibang babae. Na-appreciate ng babaeng to ang lahat ng ginagawa nya, may car man o wala. Kaya ngayon, masaya silang dalawa. Lagpas one year na silang mag boyfriend at girlfriend.

Ngayon, si Sassy Girl, biglang nagpaparamdam sakin, nangangamusta kay Boy Under.  Sinabi nyang nagsisisi sya sa ginawa at pagtrato nya dati kay Boy Under. Wala na daw matinong lalaki na dumating sa buhay nya simula nung iniwan at nag move on sa kanya si Boy Under.

Wag nyo kasing i-take for granted ang mga taong nagmamahal sa inyo, may car o wala. Lahat ng tao, napapagod din lalo na kapag hindi naa-appreciate ang efforts nya. Tsaka wag masyadong mang under, hindi sya pinanganak na Ina nya para maging utusan, alipin o driver mo. 

Nagsisisi ako sa binigay kong advice.

Imagine, dalawang taon ng hindi kayo kasi nakipagbreak ka sa kanya. Nakipagbreak lang dahil na bored ka na sa relationship nyo. Nawala na ang spark sa inyong dalawang. After two months ng break-up nyo, pinalitan ka kaagad ng ibang babae. Ganyan nangyari sa pinsan ko.

Tapos nagkita sila sa mall kanina ng hindi inaasahan. Kweninto agad ng pinsan ko ang nangyari.

Her : shiiitt Ian!!! ngumiti sya sakin. SHIIITTTT !!! Mahal pa kaya nya ako???!! :(
Me :
♩ ♪ ♫ Let it Go …  Let it Go…. that niggah loves you no more ♩ ♪ ♫ ♬

Nagsisisi talaga ako na ganun ang advice ko. Simula nung dumating kami dito sa bahay, pang 954724932x nya na inuulit-ulit ang pagplay ng  LET IT GO

And i like it when you smile, or when you tell about yourself a lot, when your humour is at its best. I like you, and I'm trying so hard not to fall for you. Because I know things won't work out for us - b
Anonymous

Seryoso. sino ba to. clue please :)

sheenammonbread:

HAHAHAHAHA.

Feelingdanielpadilla :

Yieee. Binigyan nya ako ng magandang buhok hahahaha Thank you. Nakakagulat to. My heart just melt. luh haha. Mas pogi pa ata drawing mo kesa sakin eh hahaha. Pero Thank you dito :’)

  • Someone : Tanong ko lang ah. Bakit di mo pa ako inu-unfollow eh di na rin naman ako active.
  • Me : ayoko lang. hahaha coz you followed me at my worst and i followed you at your best and thats like a promise. to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to cherish 'till deactivate do us part.
bawat saya ay may pagdurusa , sa bawat kaligayahan ay may kalungkutan, sa bawat bahay ay may pinggan na dapat hugasan

Naging apong sagigilid na naman ako kasi ako lang naiwan dito sa bahay kanina. Yung paggising ko, nakita kong ang daming pinggan na dapat huhugasin. Kaya naaalala ko yung sinabi ng daddy ko nung nagskype kami, na mag work out daw ako kasi ang payat payat ko. Tapos sumingit naman si Lola na gawin ko daw work out ang paglilinis ng bahay.

Kaya ginawa ko na lang yung pwede kong gawin, na linisin yung sahig, hinugas yung pinggan, maglinis ng banyo, pinaligoan yung mga aso, nagtapon ng basura, at pinutol ang mga halaman. Habang pinuputol ko yung mga halaman sa labas ng bahay, dumaan yung mga kaibigan kong mga lalaki, sabi ng isa, " laro tayo ng basketball, Ian! . Maya maya naman nung nagtapon na ako ng basura, nagtext yung kabarkada ko ng ..  " Niggah, gala tayoo !! " . Abah, nasa isip ko, " WALA BA KAYONG MGA GAWAING BAHAY SA INYOOOO!!??!! " 

Siguro, kapag magkaroon ako ng bahay, mas pipiliin ko yung maliit lang para konti lang ang lilinisin ko. Pero yung pinggan talaga nagsimula eh, ang dami nun. Siguro paglaki ko, i-susuggest ko sa asawa ko na lagyan ng cellophane ang mga gagamiting plato bago kumain para pagkatapos gamitin, itatapon na lang ang cellophane at boom, wala ng platong huhugasin.


picture was taken 6 months ago

Bantay Bata ako ngayon kasi iniwan dito sa bahay tong tatlo kong pinsan, wala kasi yung helper nila. Ngayon, kinukulit ako na manunuod daw ng horror movies. Sabi ko na wag kasi baka papagalitan ako ni Tita na pinapanuod ko sila ng nakakatakot. Tapos sabi nila na okay lang daw. Naghanap ako ng horror movies sa google. SInabi ko sa kanila na, " ano gusto nyo, Paranormal Activity? Devil&#8217;s Due? The Conjuring? Insidious? Sinister? Carrie? Playback? Mama? etc."Like wtf. Lahat ng mga movies na sinabi ko, napanuod na daw nila. Hindi nga ko nanunuod ng mga movies na yun maliban sa Conjuring. Tapang tapang ko kaya, hindi ko na kelangan manuod ng movies para matakot. hihihi. Tapos ngayon, naisip ko yung SHUTTER. Hindi pa daw nila nakita yun, pero nakita ko na. Ayos to, strong much ako sa mata nila ngayon. hihihi.
Suggest movies please yung hindi masyadong nakakatakot kasi worried ako sa kanila. XD

picture was taken 6 months ago

Bantay Bata ako ngayon kasi iniwan dito sa bahay tong tatlo kong pinsan, wala kasi yung helper nila. Ngayon, kinukulit ako na manunuod daw ng horror movies. Sabi ko na wag kasi baka papagalitan ako ni Tita na pinapanuod ko sila ng nakakatakot. Tapos sabi nila na okay lang daw. Naghanap ako ng horror movies sa google. SInabi ko sa kanila na, " ano gusto nyo, Paranormal Activity? Devil’s Due? The Conjuring? Insidious? Sinister? Carrie? Playback? Mama? etc."Like wtf. Lahat ng mga movies na sinabi ko, napanuod na daw nila. Hindi nga ko nanunuod ng mga movies na yun maliban sa Conjuring. Tapang tapang ko kaya, hindi ko na kelangan manuod ng movies para matakot. hihihi. Tapos ngayon, naisip ko yung SHUTTER. Hindi pa daw nila nakita yun, pero nakita ko na. Ayos to, strong much ako sa mata nila ngayon. hihihi.

Suggest movies please yung hindi masyadong nakakatakot kasi worried ako sa kanila. XD

Dear other admirers of Ian, Sorry, He's mine. Good morning baby. Haha. JK.
Anonymous

hahaha Hi baby hahaha Sino ba to uy   XD